Hanapan ang Blog na Ito

Lunes, Oktubre 10, 2016

Teknolohiya




Kauna- unahang naimbento ng mga Amerikanong sina Christopher Latham Sholes, Frank Haven Hall, Carlos Glidden at Samuel W. Soule sa Milwaukee, Wisconsin noong 1868.




Ayon sa Computer History Museum,  kauna-unahang naimbento ang modernong kompyuter na tinatawag na Z3 ng imbentor na si Konrad Zuse noong 1940. Ito ang kauna-unahang fully operational stored-program electromechanical computer na nalikha.


     Talaga bang pangangailangan ng tao ang sanhi ng pagkalikha ng mga bagay-bagay? Likas na matalino ang tao, nagagawa ang lahat ng nais. Kung ating iisipin, mabilis ang pagsulong lalo na sa larangan ng teknolohiya, at kahanga-hanga iyon. Halimbawa, noon tandang tanda ko pa, makinilya ang ginamit ng mga tao, matiyagang gumawa ng mga papeles, ng takdang aralin at iba pa."Tunay na kapaki-pakinabang". Ngayon, kailangan ng mas mabilis, mas mahusay at mas kapaki-pakinabang na teknolohiya para sa mabilisang  produksyon. Lalong pinaigting at pinaghusay ng mga imbentor ang kanilang kakayahan. Nakabuo sila ng kalipunan ng mga kaalaman para sa isang moderno at makabagong teknolohiya. Ngayon, napapakinabangan na ito sa ibat-ibang larangan ito man ay sa industriya, akademiko at iba pa. Dahil dito napadali ang mga gawain at marami ang natulungan, natutulungan, nakinabang at nakikinabang.






Posted via Blogaway

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Iwasan ang mga mapang-abusong salita, nais ko na mapasulong pa ang blog na ito sa pamamagitan ng inyong mga komento o advice. Nawa ay makinabang tayong lahat. Maraming salamat po !!!!!!!!