Barong Tagalog ay isinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-kasal para sa mga lalaking Pilipino.
Baro't Saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot ng mga kababaihan. Ang pangalan ay mula sa dalawang salitang Tagalog na baro at saya. Isa sa mga uri ng baro't saya ay ang mga uring Maria Clara, na may dagdag na alampay o pañuelo, na nakabalot sa balikat at ang ternó, na may mataas na manggas. Ang uring terno ay pinatanyag ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Modernong Kasuotan
Tila pinaikli na ng pinaikli ang mga kasuotan ngayong modernong panahon. Hindi na makita ang pagiging mayumi at pagiging dalagang pilipina, parang habang payaman ng payaman, paikli rin ng paikli ang kasuotan lalo na sa mga kababaihan. Ang totoo hindi naman problema ang tela dahil mabilis ang produksyon at nakatitiyak ako na marami ang nagsusuplay nito. Ngayon ay moderno na at lalo pa itong sumusulong sa ibat-ibang larangan gaya ng siyensya, lalong yumayaman ang mga bansa dahil sa modernong teknolohiya, kasabay sana nito ang paghaba ng tela at pagpapanatili ng tradisyonal na kasuotan na mas lalo pang pinaganda at pinagyaman para sa mga kababaihan.