Hanapan ang Blog na Ito

Huwebes, Oktubre 13, 2016

Kasuotan








Barong Tagalog ay isinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-kasal para sa mga lalaking Pilipino.





 Baro't Saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot ng mga kababaihan. Ang pangalan ay mula sa dalawang salitang Tagalog na baro at sayaIsa sa mga uri ng baro't saya ay ang mga uring Maria Clara, na may dagdag na alampay o pañuelo, na nakabalot sa balikat at ang ternó, na may mataas na manggas. Ang uring terno ay pinatanyag ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.








Modernong Kasuotan






  Tila pinaikli na ng pinaikli ang mga kasuotan ngayong modernong panahon. Hindi na makita ang pagiging mayumi at pagiging dalagang pilipina, parang habang payaman ng payaman, paikli rin ng paikli ang kasuotan lalo na sa mga kababaihan. Ang totoo hindi naman problema ang tela dahil mabilis ang produksyon at nakatitiyak ako na marami ang nagsusuplay nito. Ngayon ay moderno na at lalo pa itong sumusulong sa ibat-ibang larangan gaya ng siyensya, lalong yumayaman ang mga bansa dahil sa modernong teknolohiya, kasabay sana nito ang paghaba ng tela at pagpapanatili ng tradisyonal na kasuotan na mas lalo pang pinaganda at pinagyaman para sa mga kababaihan.

Lunes, Oktubre 10, 2016

Teknolohiya




Kauna- unahang naimbento ng mga Amerikanong sina Christopher Latham Sholes, Frank Haven Hall, Carlos Glidden at Samuel W. Soule sa Milwaukee, Wisconsin noong 1868.




Ayon sa Computer History Museum,  kauna-unahang naimbento ang modernong kompyuter na tinatawag na Z3 ng imbentor na si Konrad Zuse noong 1940. Ito ang kauna-unahang fully operational stored-program electromechanical computer na nalikha.


     Talaga bang pangangailangan ng tao ang sanhi ng pagkalikha ng mga bagay-bagay? Likas na matalino ang tao, nagagawa ang lahat ng nais. Kung ating iisipin, mabilis ang pagsulong lalo na sa larangan ng teknolohiya, at kahanga-hanga iyon. Halimbawa, noon tandang tanda ko pa, makinilya ang ginamit ng mga tao, matiyagang gumawa ng mga papeles, ng takdang aralin at iba pa."Tunay na kapaki-pakinabang". Ngayon, kailangan ng mas mabilis, mas mahusay at mas kapaki-pakinabang na teknolohiya para sa mabilisang  produksyon. Lalong pinaigting at pinaghusay ng mga imbentor ang kanilang kakayahan. Nakabuo sila ng kalipunan ng mga kaalaman para sa isang moderno at makabagong teknolohiya. Ngayon, napapakinabangan na ito sa ibat-ibang larangan ito man ay sa industriya, akademiko at iba pa. Dahil dito napadali ang mga gawain at marami ang natulungan, natutulungan, nakinabang at nakikinabang.






Posted via Blogaway